Sa Iyong Buhay Ngayon, Ano Kaya Ang, Maari Mong Gawin Upang Makatiyak Na Ang Iyong Mga Layunin Ay Makamit O , Maisakatuparan ?
Sa iyong buhay ngayon, ano Kaya ang
Maari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin ay makamit o
Maisakatuparan ?
Sabi nila, kung walang pangarap, walang kinabukasan. Gusto ko talagang mangarap! Kaya lagi nila ako tinatanong, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan? Ang nakakatuwa, pinag-iisip nila ako. At binibigyan ng payo. Narito ang ilan:
1. Umupo at magsuri. Kailangan ko pala talaga ng panahon na magbulay-bulay- "Ano na nga ba ang gusto ko?" Isusulat ko ito. Kasama sa detalye ang sumusunod: Ano ang aking layunin? Ano ang mga hakabangin ko pang makamit ito? May sapat ba akong panahon? Mayroon ba akong mga materyales o kakayanan upang maabot ito? Ma kailangan ba akong suporta? Ilalagay ko din ang iskedyul sa mga bawat hakbang.
2. Ipakipag-usap ito sa mga may gulang maging sa mas nakaaalam ng aking layunin. Pakinggan ang kanilang komento sa aking mga naisulat na detalye at muling suriin ang aking mga naisulat. Laging lumapit sa panahong kailangan mo sila.
3. Manalangin upang humingi ng suporta. Laging sabihin sa iyong Maylikha ang iyong mga kabalisahan o hamon tungkol sa iyong layunin. Lagi Siyang nagbibigay ng maliwanag na sagot.
4. Maging handang magbata. Ito ay hindi lamang pagtitiis o pagsasakripisyo dahil wala ng ibang magagawa pa. Kundi, isa siyang paninindigan at nag-aalab na pag-asa habang kumikilos ka. Kailangan ito kapag may mga hadlang sa pag-abot ng iyong layunin. Kung wala nito, madaling sumuko ang isa.
5. Kumilos ka na ayon sa iyong itinakda.
Comments
Post a Comment