Bakit Itinuturing Ni Ibarra Na Pinakamahalagang Hiyas Ng Bayan Ang Mga Pilipina?
Bakit itinuturing ni ibarra na pinakamahalagang hiyas ng bayan ang mga pilipina?
Ang Mga Pilipina
Itinuturing ni Ibarra ang mga pilipina na pinakamahalagang hiyas ng bayan sapagkat sila ay tulad ng mga mamahaling bato na maaaring palamuti o ipangganyak sa mga mamahaling gamit na makikita sa mga mamahalin at eksklusibong lugar lamang. Para kay Ibarra, ang mga babae ay dapat na iniingatan sapagkat tulad ng mga hiyas sila ay sensitibo at mahirap mahagilap kaya naman sila ay dapat iniingatan at minamahal. Ang bawat babae ay may likas na katangiang malaki ang maitutulong sa bayan tulad ng pagiging mapag alaga, mapagmahal, malambing, maasikaso, at mapagpasensya. Ang lahat ng kanyang mga ginagawa ay punong puno ng pagmamahal hindi lamang para sa kanyang sarili kundi maging para sa kanyang kapwa.
Sa panahon ngayon, ang pagtrato sa mga kababaihan ay hindi na tulad ng pagtrato ni Ibarra sa mga kababaihan. Ngayon ang pagtrato sa mga kababaihan ay depende sa kung paano pinahahalagahan ng isang babae ang kanyang sarili. Kapag ang isang babae ay may respeto at pagpapahalaga sa sarili hindi niya hahayaan na ituring siyang mas mababa ng mga tao sa paligid niya ngunit kung ang isang babae ay walang respeto sa sarili o walang delikadesa sa lahat ng kanyang mga ginagawa, ganito rin sya tratuhin ng mga taong nakakita sa kanya.
Comments
Post a Comment